Monday, 23 September 2013

Predictable..

A friend once told me that the word PREDICTABLE was one of the worst words you can use to describe a girl. She had a point, and one that is full of wisdom. Predictability is one of the last things a girl wants to be, right?

That means you're a given. You can be taken for granted. You are not special.




I'm an artist, or so i say.
Am I weird? Some people I only think I am.
Am I unique? As unique as the billions of people on this planet.
Am I where i want to be? No.

I'm stuck in  a crossroad where all paths seem like dead ends.
I can't get anywhere, mostly because of my circumstances.
I'm stuck.
Very stuck.

There's money.
It's always about money.
There's skill.
A skill that lay so dormant for so long it seems like it's made of rust.
There's family.
And I am responsible for those i love.
There's connections and contacts.
Because, frankly, i don't have any of those.

Then there's me.

'Google something, you idiot! You're bound to get somewhere, right??'
Yes, somewhere.
In a place where you keep clicking until your pointer hurts.
Fine, let's keep clicking.

Where is this post headed, you ask?
I don't know.
This post goes out to all the people out there who don't know where they're going.
Don't know what they're supposed to be.
And don't know who they are, exactly.

You are not alone.
If you're barely holding on.
If you're sick of it all.
If you don't know what to do.

You are not alone.

Tuesday, 26 February 2013

If..

You were a bunch of crickets talking, and all of you suddenly became silent, what would you hear chirping in the background?

Friday, 15 February 2013

Honored..

A song you have made,has reached my ears.
beautiful and glorious,
i listen to it and i hear your heart.
tender and loving, A fitting gift.

I think me unworthy,
not deserving of this honor.
That something so precious to you,
was placed in the palm of my hands.

With words you soothe my soul,
with your touch all the colors pour forth.
WIth a whisper you melt my being.
And build it up again with an embrace.

I look into your eyes and smile,
A smile that comes as often as a blue moon.
You have roused me from my sleep,
and you left a mark that cannot be undone.

You have changed me, 
And I am forever ni debt.
You will always remind me how this life is worth living.
You have honored me with your being.

Friday, 8 February 2013

Bungkal..


Habang ako'y bumabyahe pauwe mula sa trabaho isang araw (lunes ata un), napansin ko nalang na ang isang kalye na madalas kong nadadaanan ay nabungkal na, bitak-bitak, at may ilang katao na nagmimistulang "umaayos" dito. Sinubukan kong tandaan ang sira ng naturang kalsada at wala akong matandaan. Mukang maayos naman cia dati at nagagampanan ang layunin ng isang kalsada. Ilang araw ang nakalipas at napansin ko na nagsimula naring bungkalin ang marami pang ibang kalye sa Maynila. 

Dun ko napatunayan na nalalapit na ang eleksyon.

Ang "pag-aayos" ng kalsada ay isa lamang sa maraming sintomas ng eleksyong paparating. Ito ang isa sa mga biglaan o maagang napupuna sapagkat ito ay nagmimistulang malaking karatula: imposibleng hindi mo ito mapansin dahil apektado ang dadaanan mo. And sunod mong mapapansin ay ang signboard na nagsasabing ginagawa ang naturang kalye (talaga? hindi obyus?) na may kasamang pangalan ng taong nagpagawa nito - Ang taong nangangampanya.

Nakakasuka, kung tatanungin mo ko, sapagkat napaka-garapal lang talaga. Ipinagsisigawan ng mga proyektong ito ang napaka-halatang pagpapakitang-gilas at pagpapasikat. Napakadaming panahon na maaaring mag-ayos ng kalsada. Madaming taong ang lumipas na niragasa tayo ng bagyo at binaha. Maraming bahay ang nasira, maraming gamit ang tinangay. Oo, kasalanan din ng mga taong nagtatapon ng basura sa kalye nang walang pakundangan, pero ano ba naman yan! Yung dahilan ba ng pag-papaayos ng kalsada ay ngayon lang napansin? Kung hindi man baha ang dahilan at kondisyon lang ng kalsada, naman-naman..Matino pa yang kalye na "ginagawa" ninyo! At yan din ung parehas na kalye na "ginawa" ninyo ilang taon lang ang nakalipas - ilang taon, kamo? Ung dami ng taon mula nung huling eleksyon.

Kung tutuusin, magandang istratehiya yan kung gusto talagang mapansin ng mga botante. Pero tandaan, natututo din ang tao. Tumatalino din ang mga botante *crosses fingers* and nagsisimula nang mag-isip. Ako'y umaasa na ang mga raket na ganito ay di na gagana nang basta basta sa mga tao at mapipili na talaga natin ang mga kandidato na taos-pusong magsisilbi sa mga kababayan.

Nga pala, sampol lang ung larawan sa itaas. Di yan ung kalye. Hehe.

Friday, 1 February 2013

Puppy Love..

Her name is Okane. Small. Dark as a shadow. Strong and adventurous. Mischievous, and Loaded with enough energy to power up the whole country.

Oh, and she's my pet puppy, and I love her.

Every time I've been going home for the the past 5 months have been the best each and every time. I open that door and i would always see that light on her eyes as her tail wags unendingly in delight. The way she jumps up and down shows how much she wants to convey excitement that i've arrived. I guess that emotion you get someone misses you and can't wait to show love is a feeling all dog owners have the privelege of getting. All the weariness and stress you felt the whole day suddenly drains off as she starts licking at you and giving you that "face". If they said in surveys that dog owners lived happier and fuller lives, i wouldn't doubt that a single bit.

Puppy love is very much different from the way people do. It is unselfish, devoted and loyal. Urgent and patient. It is pure. You cannot compare it to anything else, i guess, especially when it is shown with those adorable eyes. I guess that's why they call children's affection puppy love. It is untainted and can never be corrupted by anything in this world. That is why they call a person who's loyalty never falters as a puppy of of another. They cannot be bribed against the hand that raised them. And this is why it's so amazing.

She's 5 months, more or less a child in dog years, but just about to hit her teens. Right now she is always full of energy and always running around and destroying stuff (i admit. I'm poor when it comes to dog training) and i hope, besides the destroying part, she stays that way until her later years.


Thursday, 10 January 2013

Ang Huling Paglipad..

Ang Haribon.

Hari ng mga ibon.

Maestro ng himpapawid.

Panganib at kagandahan na lumilipad.

Ito ang aking paboritong ibon at hayop. Para sa akin, ito ang isa sa pinakamagandang nilalang ng ating Panginoon sa mundong ito. Ang kanyang pangalan, pinaikli mula sa mga salitang "haring ibon", ay tunay nga namang naaayon at karapat-dapat na itawag sa kanya. Wala nang mas gaganda pa sa ibon na ito.

 Ang kanyang tuka ay walang kasing talas at dilim; tinatago ng taglay nitong ganda ang lakas ng bawat kagat at ang panganib na dala nito sa kanyang mga biktima. Ang kanyang mga pakpak ay maikli, malapad at matikas - tamang-tama sa pagkilos nang maliksi at walang-hirap sa mga masukal na kakahuyan na siya niyang hinaharian. Ang katawan niya ay malakas ngunit magaan, katangi-tangi sa isang atleta na lumilipad. Ang dilim ng kanyang tuka ay tinatalo lamang ng kulay ng kanyang kuko, na kayang pumatay sa isang iglap ng kahit anong sa tingin niya'y pagkaen. Ang buntot niya ay malakas din at maliksi at gamit niya sa mga mabilisang liko at preno. Ang lahat ng ito ay katangian ng hari na walang katulad..

Ngunit - ang pinaka-natatangi sa lahat, ay ang kayang walang kaparis at walang kasing gandang korona.

Ang mga pluma sa kanyang ulo ay mistulang korona na nagpapatindi sa taglay niyang kamaharlikhaan. Ito'y naihahalintutulad sa balahibo ng leon, na siya rin tinatawag na hari ng mga hayop. Ang Haribon na nakatindig ang korona ay walang kasing dakila at walang kasing tapang ang dating. Kung pwede lang makapatay ang tingin, dun palang ay wala nang natirang buhay sa harapan niya.

Mapanganib. Malakas. Maganda. Maharlikha. Lahat ng ito ay nararapat na salita sa hari ng himpapawid. 

Sa kasamaang palad, ang ibon na kilabot ng lahat ng hayop sa buong pilipinas ay siya rin nanganganib na mawala sa kaharian nito. Ang panganib ay galing sa tanging ibang hayop na kayang limipol sa kanya - ang tao. Sa dami ng problema ng lipunan ngayon, may mga bagay na nangangailangan ng atensyon ng bayan ang tuluyan nang naibaon sa alaala ng buong lahing Pilipino, liban nalang ng iilang bilang na katao. Isa dito ang kalagayan ng ating pambansang ibon, na bilang nalang ang natira sa kaparangan. Kung susumahin ang estado ng populasyon ng Haribon sa pilipinas, masasabing ito ay naghihingalo at halos wala nang pulso. Halos patay na, at nakasalalay nalang sa kamay ng ilang kataong may malasakit and hindi pa nakakalimot.

Nakakalungkot isipin na ganito ang dinadanas ng pambansang ibon. Nakakalungkot. Nakakatakot.

Lumipas na ang panahon na kayang lumipad nang malaya ng Haribon sa himpapawid ng bansa. Maaaring dumating ang araw na dumating ang huling paglipad nito nang hindi manlang namamalayan ng mga tao. Sa kasamaang-palad, maaaring dumaan na pala ang araw na ito.