Mababaw na post lang. I've been trying to look for really unique Chuck Taylors for the past few weeks to no avail. Wala. Wala talaga akong mahanap. Pinuntahan ko na ang lahat ng tindahan ng nasabing sapatos sa lahat ng outlet sa lahat ng mall na malapit sa aking opisina at bahay.
At ngayong gabi lang, naisip ko. Ang pinaka-kakaiba at pinakamalupet na nasabing sapatos ay yung sariling iyo talaga. Ung pinaghirapan mong pagandahin at angkinin. Ung tipong may disenyong wala talagang katulad sa mundo. I decided to customize my own chucks.
Para din yang pag-ibig.
Minsan (at minsan lang talaga), hanap ka nang hanap sa kung san-sang lupalop ng mundo ng babaeng mamahalin mo, yun pala, kailangan mo lang angkinin at pagandahin ang relasyon na andyan na rin mismo.
Lesson for today?
BUILD UP YOUR OWN IF YOU WANT SOMETHING THE WORLD HAS NEVER SEEN BEFORE AND WILL NEVER SEE AGAIN.
Yehbah...:)
No comments:
Post a Comment