Friday, 8 February 2013

Bungkal..


Habang ako'y bumabyahe pauwe mula sa trabaho isang araw (lunes ata un), napansin ko nalang na ang isang kalye na madalas kong nadadaanan ay nabungkal na, bitak-bitak, at may ilang katao na nagmimistulang "umaayos" dito. Sinubukan kong tandaan ang sira ng naturang kalsada at wala akong matandaan. Mukang maayos naman cia dati at nagagampanan ang layunin ng isang kalsada. Ilang araw ang nakalipas at napansin ko na nagsimula naring bungkalin ang marami pang ibang kalye sa Maynila. 

Dun ko napatunayan na nalalapit na ang eleksyon.

Ang "pag-aayos" ng kalsada ay isa lamang sa maraming sintomas ng eleksyong paparating. Ito ang isa sa mga biglaan o maagang napupuna sapagkat ito ay nagmimistulang malaking karatula: imposibleng hindi mo ito mapansin dahil apektado ang dadaanan mo. And sunod mong mapapansin ay ang signboard na nagsasabing ginagawa ang naturang kalye (talaga? hindi obyus?) na may kasamang pangalan ng taong nagpagawa nito - Ang taong nangangampanya.

Nakakasuka, kung tatanungin mo ko, sapagkat napaka-garapal lang talaga. Ipinagsisigawan ng mga proyektong ito ang napaka-halatang pagpapakitang-gilas at pagpapasikat. Napakadaming panahon na maaaring mag-ayos ng kalsada. Madaming taong ang lumipas na niragasa tayo ng bagyo at binaha. Maraming bahay ang nasira, maraming gamit ang tinangay. Oo, kasalanan din ng mga taong nagtatapon ng basura sa kalye nang walang pakundangan, pero ano ba naman yan! Yung dahilan ba ng pag-papaayos ng kalsada ay ngayon lang napansin? Kung hindi man baha ang dahilan at kondisyon lang ng kalsada, naman-naman..Matino pa yang kalye na "ginagawa" ninyo! At yan din ung parehas na kalye na "ginawa" ninyo ilang taon lang ang nakalipas - ilang taon, kamo? Ung dami ng taon mula nung huling eleksyon.

Kung tutuusin, magandang istratehiya yan kung gusto talagang mapansin ng mga botante. Pero tandaan, natututo din ang tao. Tumatalino din ang mga botante *crosses fingers* and nagsisimula nang mag-isip. Ako'y umaasa na ang mga raket na ganito ay di na gagana nang basta basta sa mga tao at mapipili na talaga natin ang mga kandidato na taos-pusong magsisilbi sa mga kababayan.

Nga pala, sampol lang ung larawan sa itaas. Di yan ung kalye. Hehe.

No comments:

Post a Comment