Sabe nila, masarap daw
magsulat. Maiilagay mo dito ang iyong mga naiisip at nararamdaman noong
panahong dumating ito at maaari mong balikan pagdating ng panahon. Pag
binalikan mo ito, maaari kang mapangiti o matawa o mainis o malungkot o masuka,
kasi malamang sa malamang, maiisip mo na hindi na pala parehas ang
mga bagay-bagay at marami nang nagbago mula nun.
Hindi ako mahilig
magsulat. Hindi ko ito nakagisnan at lalong hindi ko pinag-aksayahan ng
panahon. Pero bakit ako nagsusulat? Malay ko. Pag nalaman ko, ipapagsigawan ko
sa mundo, ayos ba?
.
. .
Ako ung tipo ng tao na
mahilig gumuhit at mahilig magbalik-tanaw sa nakaraan. Hindi malinaw ang aking
memorya sa mga bagay - MAKAKALIMUTIN AKONG TAO. Pero pag sumagi ang isang
alaala sa isip ko, matatandaan ko pati emosyon na kasama nung alaala na un.
Madalas, meron pang kasamang background music. Oha.
Napapangiti ako dahil
nakikita ko ang dating ako - bata, padalos-dalos, makulit, takot, madaldal,
masayahin, at syempre, CUTE. Haha. Walang basagan ng trip.
Natatawa ako dahil
andami ko nang nagawang kalokohan, at marami pang mangyayari na tatawanan ko
ulit.
Naiinis ako dahil gusto
kong batukan ang aking sarili nuon at sabihing, "bat ba kasi antakaw mo?!
Tignan mo ko ngayon! TIGNAN MOOO!!! Anlaki ng iniwan mong trabaho sakin!
Hmph!"
Nalulungkot ako dahil may mga bagay
na gusto mo sanang andyan parin hanggang ngayon, pero di mo na maiibalik -
tulad nung laruan kong Power Rangers na Megazord dati. huhu. Panghihinayang.
Nasusuka ako dahil sa mga
kagimbal-gimbal na desisyon na ginawa mo dahi, tulad nung pagkain ng ubod ng
sarap ng putahe na malaman-laman mo'y *toot* pala ng kalabaw. Fill in the
blanks.
Pano ito naging konek sa pagsulat?
DETALYE.:)
. . .
Pwera Biro, masaya pala talagang gawain ito. Masaya kasi lumilipad ka sa isang mundo na walang makakaabot sayo kundi sarili mo lang. Yun yung lugar sa pagitan ng panaginip at katotohanan. Ang lugar na ito ay magkakaiba, depende sa manunulat. Sa ilan ay mala-impyerno, sa iba ay mala-langit, at sa iba naman ay mala-engkantadia. Kumbaga, parang yung sa pelikulang "The Matrix". Lahat pwede mong gawin. Lahat pwede mong isulat. Walang makakapigil sayo. Ang kaya lang gawin ng mga mambabasa ay mag-react at makaramdam ng emosyon. Pero kung manunulat ka na may paninindigan at alam ang iyong mga sinasabe (syempre dapat hindi ka sabog), alam mo na karaniwan yun at inaasahan.
Andaming satsat, isa lang naman ang punto.
MAGSUSULAT NA AKO.
Abangan.
No comments:
Post a Comment