Wednesday, 11 July 2012

Barkadaness..

Mga tunay na kaibigan. Mahirap mahanap. Sa dinami dami ng tao sa mundo, may mga ilan lang talaga na magiging bahagi ng buhay mo. Ang karamihan ay dadaan lang. makikilala. makakausap. makakalimutan. Pinagpala ka kung makakahanap ka ng tunay na kaibigan.

Sa Pilipinas, ang isang grupo ng magkakaibigan na tinadhana at minalas na magkasama-sama ay tinatawag na BARKADA. Ang barkada ang ikalawang pamilya ng isang tao. Minsan, primera pa nga. Karaniwang nabubuo ito sa sa kabataan ng isang tao, hayskul o kolehiyo madalas. Hindi limitado sa isang barkada ang isang tao - kadalasan, may isang barkada sa bawat yugto ng buhay.

Ang barkada kong pinakamalapit ay ang barkada ko nung kolehiyo. 6 kame sa grupo nung nagsimula, at ako lang ang lalake. Nakakapagtaka man ay madali para sa akin ang makasundo ang mga babae. Nung unang mga araw ng kolehiyo ay kame na ang nagkasama-sama at simula noon ay naging matatalik na magkaibigan na. Simula nung mga nene palang ang mga un ay naging bahagi na sila ng magulong buhay ko. Nasaksihan namen ang pagtanda ng bawat isa at nagdamayan sa karamihan ng aming problema - eskwela, pamilya, pag-ibig at kung anu-ano pa. May 10 taon ko na silang kakilala, at napakarami narin ang nagbago.

Nung kaming lahat ay nagtapos at nagkahiwahiwalay ng landas, naging madalang ang pagkikita. May kanya-kanyang mundo na kameng iniikutan at kanya-kanyang diskarte sa pag-galaw dito. Dumating din ung panahong halos di kame nagkakasama dahil narin sa trabaho at pagtutuon ng oras sa maraming ibang bagay. Pero malalaman mo na matibay ang samahan ninyo pag dumaan kayo sa lahat ng ito pero ganun parin ang lahat pag nagkita kayo.

Ang barkada ko ay walang katulad, pero may mga batas parin kaming sinusunod upang masabing ganap na barkada kame..
  1. Ang barkada ay bawal sumunod sa oras na napag-usapan para magkita-kita. Pag on-time ka, lugi ka.
  2. Ang barkada ay bawal makipaglandian sa isa't-isa. Andameng pwede landiin sa labas..walang taluhan.
  3. Ang barkada ay nagdadamayan sa problema. Kung di mo maiiwan ang pinagkakaabalahan mo ngayon, atlis kamustahin mo ang may problema at sabihin mong "okay lang yaaaaaaann...".
  4. Ang barkada ay nagpapa-inom pag may okasyon, problema, lungkot, o ligaya. At dahil hindi ako umiinom, okay na ko sa pizza.
  5. Ang barkada ay patas magbigay pag ambagan.
  6. Ang barkada ay nagpapakopya ng takdang aralin sa isa't-isa. Bawal umamin na kinopya mo ito kahit bistado ka.
  7. Ang barkada ay laging kulang pag may lakwatsa dahil laging merong isang magdadahilan sa huling minuto. Kung makumpleto man kayo, dapat once-a-century lang.
  8. Ang barkada ay laging nagpaplano ng lakad pero dapat 1 lang sa 10 ang natutuloy. Kung gusto mong matuloy, dapat biglaan.
  9. Ang barkada ay laging may natitirang kasapi na hindi lasing sa inuman para alagaan ang mga tumaob na sa alak. Ako yung nag-aalagang un.
  10. Ang barkada ay bawal maging malungkot. Kung malungkot man, dapat di obyus. Kung gusto mong umiyak, dapat may tama ka muna.
  11. Ang mga nobyo at nobya ay "extension" ng barkada.

Nagpapasalamat ako sa napaka-lupet at mapang-asar kong mga kabarkada. Kung di dahil sa inyo, malamang ay naging normal na nilalang ako. At dahil lahat tayo ay abnoy, walang iwanan kahit kailan, okay? Hinding-hindi ko kayo ipapagpalit kahit kanino. Salamat. Mahal na mahal ko kayo.

Lhea..
Irene..
Gie..
Gracia..
at Joy..

special mention:
Alyson..
Yuz..
Benzon..
Jake....
and the Australian guy..

CIAO.


No comments:

Post a Comment